Tuesday, July 21, 2009

Happy Birthday MPGC!

July 19,2009

Sumama ako kay ate sa party ng Museo Pambata guides.. nakakatawa nag taxi pa nga kami mula Baclaran hanggang Museo Pambata kasi malakas ang ulan.. tapos pagdatingng Libertad wala ng ulan! badtrip! Doon sa Science room ginawa ang party.. Ang daming bata! tapos nakiregister din ako.( isa ako sa mga bata eh! haha). Madaming games para sa mga bata.nakakatawa ung pahabaan ng happy birthday.. may isang bata kumanta nalang.. haha tapos bumisita din si Ms.Crayola na sumayaw ng " sabay sabay tayo". May raffle din! nanalo nga ako ng Bear brand.. hehe Syempre may kainan.. Ang saya ang dami ko ding nakilala si Ate Pong, Ate Charlot at lahat ng guides.. si Ivan, ang babyng adik sa plastic... haha Ang saya don.. tapos may libreng loot bag pa.. hehe..


remembrance!

Saturday, July 18, 2009

Heavy Mental - Fish and Chips



July 12, 2009

Nagpunta kami sa SM Megamall para lang makita itong napakagandang exhibit na ito.. Paborito kasi ni ate Liza si Joey de leon eh.. Sa Crucible art gallery nakadisplay ang mga art work nila Joey de leon at Igan D'Bayan.. Tinawag na Heavy Mental at Fish and chips ang exhibit.. Ang mga painting na gawa ni Joey de leon ay karamihan may mga casino ships.. at sa mga gawa ni Igan D'Bayan talagang nagustuhan ko ang malaking Joker.. Nice nicey!


by Joey de leon

by Igan D'Bayan ( this is really big!)

salamat po sa http://www.circuitmag.net/tag/igan-d-bayan-heavy-mental-fish-chips/ at http://img514.imageshack.us/img514/3265/ent3.jpg sa mga litrato..

Thursday, July 9, 2009

POST OFFICE BVILDING visit


July 03, 2009

Eh ano ngayon kung maexcite ako sa pagpunta sa post office.. Bakit ba? haha oo alam ko katabi lang yun ng school ko.. diba BVILDING talaga ung nakalagay dun?

Nagpunta ko don sa post office para malaman kung magkano magpaship ng goods. Marami na kasing nagiinquire sa business namin na taga ibang bansa.

Enjoy pla dun. ang daming windows for each concern.. dun ako pinapunta nung mama sa information sa window 225 para malaman ko ang presyo ng bawat package.. hehe medyo mahal pala.. pag uwi ko bumili ako ng taho dun sa tindero sa labas ng post office.. oishi!

well anyways! new place.. happy happy..

My Museo Pambata Tour

July 01, 2009

Sinundo ko si ate Sharry sa work nya nun.. Tapos iniwan nya ko dun sa loob ng Museo Pambata... ang saya ko dun sa loob. sabi ni ate hindi ko daw nalibot lahat.. =( wala kasi akong kasamang tourgide.. hahaha

Una kong napuntahan ay yung bagong giftshop, ang daming mabibili.. nandun din yung mga pin button at spill proof mugs na dinesign ng ate ko.. Tapos nagpunta ko sa mga theme rooms.. sa my body works, ( nakakatawa yung ilong at pwet.. haha) career options, market place, children in the global village, (kaya lang parang di ko masyado to napansin kasi parang sarado yung part) science through discovery, ( nakakalungkot hindi ko nakalikot ung mga nakadisplay dito) saka old manila ( hehe nakakatakot dito.. pero maeron akong remembrance galing sa room na ito).. Di ko napuntahan ung environment at craft room.. =(

Nakakatuwa kung kelan matanda nako dun ko palang napasyalan ung Museo Pambata.. pambata nga db? haha.. bata pa naman daw ako sabi ni ate.. happy happy ako!


remembrance!