Thursday, May 7, 2009

Am I the Next Big Star? Probably not.


Woohoo! Excited na excited talaga ako sa kauna-unahan kong audition. Mahilig talaga akong kumanta. Lahat naman ata ng tao sa pamilya namin mahilig at infairness hindi narin masama.
Naihanda ko ng lahat ng kailangan para sa audition, minus one, birth certificate, ids lahat lahat.

Unang balak. Mag-auaudition ako kasama si Katrina, kabarkada ko. Promise, Kat. buti di ka sumama. Pero si mama nalang ang sumama sakin. Unang beses kasi namin pupuntahan ung lugar ng audition,Sa SM Marikina.

April 24, Maagang maaga palang umalis na kami. Hindi kasi namin tantsa kung gano katagal ang biyahe. Sumakay kami ng fx papuntang Lawton. Nagjeep papuntang Cubao. Isa pang jeep biyaheng Cogeo at bumaba sa over pass sa tapat ng SM Marikina. Wirdo ung over pass na un. Tatlong level. hahaha

Ang pila ng auditions. Andun sa ilalim na parking ng SM Marikina. Wow talagang napaconvenient diba. hehe Pero ok naman kasi talagang marami ang nagauaudition. Sa parking lot ay may mahabang pila. Dumating kami don ng mga 8:45 am. Habang naghihintay don, maraming nagsisidating na mga interesanteng tao. Merong sobrang ayos na ayos, with high boots and leather jacket with fur. Merong hinahatid pa ng mga driver, hmmm mayaman. Merong todo suporta pa ang mga nanay, nagmukha tuloy yaya. Meron ding parang napadaan lang. Exciting daming tao.

Nung mag 10 am na dumating na ung mga organizer. Ay sus! Sinong nagsabing merong pila! Nagkagulo lahat at dinumog ang nagbibigay ng forms. Di na nasunod ang pila. Tapos pinaghiwalay nila sa dalawang pila. Nagonline at hindi. medyo nagkaron ng ayos pero huli na nagulo na lahat. hahaha. Sa pila nakilala ko si Angie at pinsan nya. Ang kwela nilang dalawa. Sana nakapasa si Angie.

Bago nakapasok ang batch namin 2 pm na. Nakapasok na kami s aloob ng SM. Sa wakas! Don binigay namin ang forms at minus one. 62882 yan ang number ko. Kailangan pa naming intayin tawagin ang number. Hintay naman kami. Naawa na nga ako kay mama eh. Maraming magaling, kaya lang minsan magkakatunog sila. hehe. At pare pareho ung kinakanta nila. Listen ni Beyonce, Suki!

Sa sobrang tagal. Kinailangan naming umuwi. 7:30 na kasi 200 pa ang kakanta bago sakin. Natatakot na din kasi mama ko at hindi namin alam kung may masasakyan pa kami pauwi pag tinapos namin. Mga 10 pm pa siguro ang tapos non. Kaya pumayag na din akong umuwi. Sayang! Siguro hindi ko pa ganon kagusto yung mga ganong bagay. Pero promise gusto ko maging singer. hehe

Marami naman akong natutunan sa pagpunta sa auditions.
1. Wag kang pupunta ng todo porma. Kung ako sayo baunin mo nalng ang pang audition moang damit!

2. I photocopy mo lahat ng kailangan. Syempre wag ung cd. Magkopya ka ng 2 cd.

3. Magdala ng pagkain para sa buong maghapon.

4. Make friends! Para enjoy!

4. at huli sa lahat. pinakamagandang magpasama sa magulang. Tandaan sila lang willing tagalan ang ganung ka stressful na araw. Maniwala ka.


salamat sa http://media.photobucket.com/image/angelo3pearl/ para sa litrato

Tuesday, May 5, 2009

My First Call Girl Experience... haha that's how a real agent calls it



Sa tingin ko dapat english to. part din to ng paglalakwatsa ko.

Yup! Im one of the thousands who tried this job. Working late at night and earning loads of money for just chatting with other people... and answering calls.. haha

I was a Call Center Agent for Teletech Bacoor for six months, working for Telstra, an Australian Telecommunications Company. It was such a fun job that I found it hard to quit. But well I have to. School is still waiting for me to come back! yahoo!

At first, I was kind of hesitant to apply for this job. Who wouldn't? Although I was 18 that time and qualified for all the requirements. They saw me as a 15 year old kid.

I had my NEO (orientation) Sept 08, 2008 and started my ACE (Grammar and Speech Training) the next day 9th. It lasted for a week. It's from 4 pm to 12 pm. Oh God I love this shift! Its perfect for me. We had the Product Training the week after. Unlike ACE, this lasted for a month. It's from 12pm to 8 am. The evil shift. I tried to sleep for an hour instead of taking my midnight lunch. Well at least I earned a lot during this shift. Anyways, I can say that this training was suppose to teach us all about the job and how it is done. I say, probably at least I learned 10% on this training. haha.. What I really learned were techniques on how to win charades and taboo! Randy and Rocky really know how to keep us awake. Love you guys! I made a lot of friends too and each of them have a different story to tell. I have Rose, Jill and Camille by my side to keep me awake. Of course the others were very nice to me as well. I was the baby of the batch. I really enjoyed everyones attention back then. I had lots of ates and kuyas. This month was hilarious! We had so much fun preparing for the real thing.

Welcome to Telstra Mobile. My name is Marie. My delta number is 345842. Can I have your name and dealer details, Please?



October 13, was the first day on the production floor, first day of real calls. Believe me. I wasn't ready to take in calls that day and for that almost 30 calls I received maybe I only processed 2 requests correctly. I'm very happy I had ate Jamie beside to help me. i couldnt even understand what they are saying. Oh I hate the Aussie accent. After that day, I don't even want to come back to work. I hate feeling that way that I can hardly do anything right. The tenured agents told me that I'll get used to it in 2 weeks time, so I tried to reach at least 2 weeks and perhaps they were right. I managed to survive. It suddenly became like a piece of cake as months go by. I was a fast learner, I guess.

I got used to hearing the dealers may it be they're in a nice mood, irate or requesting for a supervisor. Oh how I love when this happens, I can always put them on hold for as long as they want! haha or sometimes it's even better to release the call. Oh cmon don't say that you never did this once in your call center life! Your not a real agent if you haven't done this. Ok so I have released calls a couple of times. Please, I already resigned I cannot be issued a file note for this, right? haha.

Dealers were not the people who completed my every work day. I met new people in the production floor. There were more ates and kuyas around to help me out and my TL Ivy is always there to answer any supervisor calls I have. They can never stand not helping me when I needed one. They really made me feel special, I was really treated like a baby. That is why when I decided to resign they were the people who went really sad. I had to say that I'll be leaving. I had to miss some things that I was long waiting for, like ate Rose's new baby, kuya Jolly's return from uptraining and many more. I had to say bye bye to the people who helped me out when I don't know what to do, kuya Yuri, ate Jen, momi Roi, dadi Dan, Tin, and a lot more.

Well, I will never forget how they helped me survived my first job. It will be pretty hard if they were not there. I will never forget how we enjoyed Christmas day together going to work at around 2am and going to work everyday wishing that Siebel will be down.. hahaha

Teletech will be trully special to me. It was my first job ever. It helped me earn loads of money that I have never imagined. Now, I can at least help out sending myself back to school with my own money. It was only six months but I thought it would be enough to gain experience, meet new friends and learn a lot of new things. Well then..

Thank You for calling Telstra Mobile. Have a nice day!


Friday, May 1, 2009

Paete, Laguna

Sumama lang ako sa ate Liza ko at sa asawa nyang si Bino. Taga-Paete kasi si Bino. Pumunta kami don para kumuha ng mga paninda ng kapatid ko para sa negosyo nya. Talagang napakahaba ng biyahe papuntang Paete. Dadaan ka sa iba't ibang bayan ng Laguna bago ka makarating doon. Sa dami ng nadaanan namin talagang sobrang dami kong nakita. Dumaan kami ng Pagsanjan. Victoria, Pila, Calauan, at marami pang iba. At habang papunta kami don kitang kita ang Mt. Makiling, ang ganda pala pagmasdan noon. Noong sinabi sa akin ni Bino na malapit na kami, kasalukuyan kaming dumadaan sa gilid ng bundok at sa kabila ay tanaw na ang Laguna de Bay. Ang ganda! Pero ang pinakapaborito kong nakita sa daan papunta doon ay yung malaking PVC pipe sa gilid ng bundok. Astig!

Pag dating namin sa Paete dumeretso kami sa tita ni Bino na si Tita Bang. Nagpaalam din kami ng mabilis para kumain sa labas. Umorder kami ng pancit ulam, fried chicken at lumpiang shanghai.. mmmm busog na busog ako.

Pagkatapos kumain naglakwatsa kami sa paligid nagpaikot-ikot doon at nakadiskubre ng kung ano anong bagay. example.

letters made of wood. bumili ako nito pangalan ko. P6.00 ang bawat letra.
mga maskara. na mas malaki pa sakin.
mga santo at carvings na mganda. meron pang marilyn monroe

mga pekeng prutas. na parang tunay lang


mga boxes. tinatawag ding taka o papermache.
iba't ibang hugis at laki ito ang isa sa binili ko.

takang kabayo. magandang laruan para sa maga bata.
meron ding rabbit, bear, kalabaw at iba pa.
Marami pa akong ibang nakita. Konti lang to kung tutuusin. Bago kami umuwi nagmeryenda muna kami sa Kape Kesada. Isang kapihan na may mga paintings. Masarap tambayan. Sayang at kailangan na naming umuwi kaya picture muna. Umuwi narin kami kaagad dahil mahaba
pa ang biyahe. Nung pauwi na kami naisip ko ang dami nilang nagagawang maganda, estatwa, taka at kung ano ano pa. Ang galing. Pwede kaya nila akong igawa ng takang Majinbu? haha
salamat sa http://traveleronfoot.wordpress.com para sa mga litrato ng mga carvings at prutas at maskara at http://vinapineda.blogspot.com sa litrato ng takang kabayo.

MV Doulos

MV Doulos. Nakita ko to sa tv. Nakakaexcite!
Kaya ng niyaya ako ni ate Sharry. Sumama naman ako.

Para makapunta don nagtaxi kami. Sa Robinsons Manila kasi kami nanggaling.Kasama naming nagpunta don ung mga kaibigan ni ate, si ate Chica at Stephie.

gate 1, pier 13 manila south harbor don nakadaong ung Doulos. 10 pesos ang bayad para makapasok sa barko. Ang mura kung tutuusin. Pero kailangan mong akyatin ang hagdang mataas na talaga namang kakabahan ka sa pagakyat. Isang maling tapak mo eh maaring malaking disgrasya. "Mitsa ng buhay" haha. Exciting to sa katulad kong lampa.
Sabayan mo ng pagsigaw ni ate Chica. Nakapalda pa naman sya.

Sa loob ng barko. Sobrang daming tao. Ang dami talagang mahilig sa mga libro. Pero hindi ko nahanap ung mga gusto ko don. Mahilig kasi ako sa crafts book. Marami ngang ganong libro pero medyo may kamahalan kasi.
Iniisip ko kasi talagang mga mura na na ung mga libro. Sabi kasi sa tv mga 50 - 100 pesos lang meron ka ng mga magagandang libro. Marami namang mura kaso puro childrens book. Pati ung mga kasama ko hindi na rin nakabili. Sa sobrang dami kasi ng tao tinamad na lang sila. Medyo disappointed din kami sa nakita namin. Akala kasi namin sobrang ganda. haha. Siguro masyado lang kaming nagexpect.

Pero all in all ok naman. Mababait ang mga tao sa Doulos. Masaya sila. Yun ang mahalaga.
Pagkatapos ng paglibot sa Doulos. Umuwi na kami. Bumaba kami dun sa delikadong hagdan.
Hirap na hirap si ate Chica. haha

Yun ang unang beses kong makasakay sa barko. Masaya naman ako. Kahit na hindi umaandar.

salamat sa http://colinjong.com para sa litrato ng hagdan ng MV Doulos.