Thursday, May 7, 2009
Am I the Next Big Star? Probably not.
Woohoo! Excited na excited talaga ako sa kauna-unahan kong audition. Mahilig talaga akong kumanta. Lahat naman ata ng tao sa pamilya namin mahilig at infairness hindi narin masama.
Naihanda ko ng lahat ng kailangan para sa audition, minus one, birth certificate, ids lahat lahat.
Unang balak. Mag-auaudition ako kasama si Katrina, kabarkada ko. Promise, Kat. buti di ka sumama. Pero si mama nalang ang sumama sakin. Unang beses kasi namin pupuntahan ung lugar ng audition,Sa SM Marikina.
April 24, Maagang maaga palang umalis na kami. Hindi kasi namin tantsa kung gano katagal ang biyahe. Sumakay kami ng fx papuntang Lawton. Nagjeep papuntang Cubao. Isa pang jeep biyaheng Cogeo at bumaba sa over pass sa tapat ng SM Marikina. Wirdo ung over pass na un. Tatlong level. hahaha
Ang pila ng auditions. Andun sa ilalim na parking ng SM Marikina. Wow talagang napaconvenient diba. hehe Pero ok naman kasi talagang marami ang nagauaudition. Sa parking lot ay may mahabang pila. Dumating kami don ng mga 8:45 am. Habang naghihintay don, maraming nagsisidating na mga interesanteng tao. Merong sobrang ayos na ayos, with high boots and leather jacket with fur. Merong hinahatid pa ng mga driver, hmmm mayaman. Merong todo suporta pa ang mga nanay, nagmukha tuloy yaya. Meron ding parang napadaan lang. Exciting daming tao.
Nung mag 10 am na dumating na ung mga organizer. Ay sus! Sinong nagsabing merong pila! Nagkagulo lahat at dinumog ang nagbibigay ng forms. Di na nasunod ang pila. Tapos pinaghiwalay nila sa dalawang pila. Nagonline at hindi. medyo nagkaron ng ayos pero huli na nagulo na lahat. hahaha. Sa pila nakilala ko si Angie at pinsan nya. Ang kwela nilang dalawa. Sana nakapasa si Angie.
Bago nakapasok ang batch namin 2 pm na. Nakapasok na kami s aloob ng SM. Sa wakas! Don binigay namin ang forms at minus one. 62882 yan ang number ko. Kailangan pa naming intayin tawagin ang number. Hintay naman kami. Naawa na nga ako kay mama eh. Maraming magaling, kaya lang minsan magkakatunog sila. hehe. At pare pareho ung kinakanta nila. Listen ni Beyonce, Suki!
Sa sobrang tagal. Kinailangan naming umuwi. 7:30 na kasi 200 pa ang kakanta bago sakin. Natatakot na din kasi mama ko at hindi namin alam kung may masasakyan pa kami pauwi pag tinapos namin. Mga 10 pm pa siguro ang tapos non. Kaya pumayag na din akong umuwi. Sayang! Siguro hindi ko pa ganon kagusto yung mga ganong bagay. Pero promise gusto ko maging singer. hehe
Marami naman akong natutunan sa pagpunta sa auditions.
1. Wag kang pupunta ng todo porma. Kung ako sayo baunin mo nalng ang pang audition moang damit!
2. I photocopy mo lahat ng kailangan. Syempre wag ung cd. Magkopya ka ng 2 cd.
3. Magdala ng pagkain para sa buong maghapon.
4. Make friends! Para enjoy!
4. at huli sa lahat. pinakamagandang magpasama sa magulang. Tandaan sila lang willing tagalan ang ganung ka stressful na araw. Maniwala ka.
salamat sa http://media.photobucket.com/image/angelo3pearl/ para sa litrato
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment