Friday, May 1, 2009

MV Doulos

MV Doulos. Nakita ko to sa tv. Nakakaexcite!
Kaya ng niyaya ako ni ate Sharry. Sumama naman ako.

Para makapunta don nagtaxi kami. Sa Robinsons Manila kasi kami nanggaling.Kasama naming nagpunta don ung mga kaibigan ni ate, si ate Chica at Stephie.

gate 1, pier 13 manila south harbor don nakadaong ung Doulos. 10 pesos ang bayad para makapasok sa barko. Ang mura kung tutuusin. Pero kailangan mong akyatin ang hagdang mataas na talaga namang kakabahan ka sa pagakyat. Isang maling tapak mo eh maaring malaking disgrasya. "Mitsa ng buhay" haha. Exciting to sa katulad kong lampa.
Sabayan mo ng pagsigaw ni ate Chica. Nakapalda pa naman sya.

Sa loob ng barko. Sobrang daming tao. Ang dami talagang mahilig sa mga libro. Pero hindi ko nahanap ung mga gusto ko don. Mahilig kasi ako sa crafts book. Marami ngang ganong libro pero medyo may kamahalan kasi.
Iniisip ko kasi talagang mga mura na na ung mga libro. Sabi kasi sa tv mga 50 - 100 pesos lang meron ka ng mga magagandang libro. Marami namang mura kaso puro childrens book. Pati ung mga kasama ko hindi na rin nakabili. Sa sobrang dami kasi ng tao tinamad na lang sila. Medyo disappointed din kami sa nakita namin. Akala kasi namin sobrang ganda. haha. Siguro masyado lang kaming nagexpect.

Pero all in all ok naman. Mababait ang mga tao sa Doulos. Masaya sila. Yun ang mahalaga.
Pagkatapos ng paglibot sa Doulos. Umuwi na kami. Bumaba kami dun sa delikadong hagdan.
Hirap na hirap si ate Chica. haha

Yun ang unang beses kong makasakay sa barko. Masaya naman ako. Kahit na hindi umaandar.

salamat sa http://colinjong.com para sa litrato ng hagdan ng MV Doulos.

No comments:

Post a Comment