Pag dating namin sa Paete dumeretso kami sa tita ni Bino na si Tita Bang. Nagpaalam din kami ng mabilis para kumain sa labas. Umorder kami ng pancit ulam, fried chicken at lumpiang shanghai.. mmmm busog na busog ako.
Pagkatapos kumain naglakwatsa kami sa paligid nagpaikot-ikot doon at nakadiskubre ng kung ano anong bagay. example.
letters made of wood. bumili ako nito pangalan ko. P6.00 ang bawat letra.
mga maskara. na mas malaki pa sakin.
mga santo at carvings na mganda. meron pang marilyn monroe
iba't ibang hugis at laki ito ang isa sa binili ko.
takang kabayo. magandang laruan para sa maga bata.
meron ding rabbit, bear, kalabaw at iba pa.
Marami pa akong ibang nakita. Konti lang to kung tutuusin. Bago kami umuwi nagmeryenda muna kami sa Kape Kesada. Isang kapihan na may mga paintings. Masarap tambayan. Sayang at kailangan na naming umuwi kaya picture muna. Umuwi narin kami kaagad dahil mahaba pa ang biyahe. Nung pauwi na kami naisip ko ang dami nilang nagagawang maganda, estatwa, taka at kung ano ano pa. Ang galing. Pwede kaya nila akong igawa ng takang Majinbu? haha
salamat sa http://traveleronfoot.wordpress.com para sa mga litrato ng mga carvings at prutas at maskara at http://vinapineda.blogspot.com sa litrato ng takang kabayo.
No comments:
Post a Comment